^

Probinsiya

Misis, negosyante tusta sa sunog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay nang sumiklab ang sunog sa dalawang bahay sa magkahiwalay na lugar sa Cavite, kamakalawa.

Sa ulat, patay ang isang 58-anyos na misis at 38-anyos na negos­yante matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay.

Ang unang insidente ay naganap dakong alas-2:52 ng madaling araw sa Sec. 4 Blk 9 Lot 18, Sunny Brooke 2, Brgy. San Francisco, General Trias City kung saan nasa kahimbingan ng tulog ang 58-anyos na ginang na si Marivic Calixtro Apelado. 

Umabot ng mahigit sa isang oras bago tuluyang naapula ang apoy sa bahay ni Apelado, na natagpuang sunog na sunog na sa loob ng kaniyang naabong bahay.Dakong alas-6 naman ng gabi nang sumiklab ang sunog sa bahay ng businessman na si Richard Somook, sa Blk 11, Lot 27, De Castro St, Town and Country Executive Village, Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Sunog na sunog din nang matagpuan ng Bacoor Bureau of Fire Protection ang katawan ng biktimang si Richard Somook, ng Blk 11, Lot 27, De Castro St, Town and Country Executive Village, Brgy. Molino 3, Bacoor City, Cavite nang sumiklab ang sunog sa bahay nito ng alas-6 ng gabi na inabot ng mahigit sa isang oras bago ito tuluyang naapula. Nadiskubre ang sunog na sunog na katawan ng biktima sa loob ng kwarto nito. 

Ayon sa BFP investigator na si FO3 Abi­gael Cabacang, aabot sa P1,890, 000 milyon ang halagang naabo sa bahay ng negosyante.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with