^

Probinsiya

Bunso hihingi ng tawad sa kuya, ginantihan ng saksak, utas!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bunso hihingi ng tawad sa kuya, ginantihan ng saksak, utas!
Dead-on-the-spot ang biktimang si Joeniffer Infante Jopia, habang nadakip naman sa follow up operation ang kapatid nitong si Narciso, 50.
STAR/File

Sa hinalang may dalang armas sa jacket..

MANILA, Philippines — Isang 45-anyos na lalaki ang patay matapos na saksakin ng kanyang nakatatandang kapatid ka­makalawa ng gabi sa Brgy. Paril, Cebu City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Joeniffer Infante Jopia, habang nadakip naman sa follow up operation ang kapatid nitong si Narciso, 50.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang alas-7 ng gabi sa Sitio Cantisang ng nasabing barangay. Nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang kuya upang humingi ng tawad dahil sa matagal na nilang alitan subalit ipinagtabuyan naman ito ng huli.

Ayon sa suspek, humingi ng lighter ang nakababatang kapatid subalit wala naman itong sigarilyo kaya nagkaroon siya ng duda na posibleng armado ito lalo pa’t may matagal na silang alitan.

Sa pagdududang may armas na nakatago sa loob ng jacket ang biktima, agad na sinaksak ng kuya ang kapatid sa dibdib. Sinabi pa ng suspek na marami kasing pagkakataon na pinagbantaan ng biktima ang kanyang buhay.

Nagsisisi naman ang suspek sa kanyang nagawa sa sariling kapatid.

CANTISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with