^

Probinsiya

DepEd official todas sa `hired killer’

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ng hinihina­lang “hired killer” ang assistant schools division superintendent (ASDS) ng Sulu sa pamamaril nitong hapon ng Biyernes sa bayan ng Jolo, ang kabisera ng probinsya.

Sa ulat nitong Sabado ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na namatay sa mga tama ng bala sa ulo si Sonatria Dandun Gaspar, ang ASDS sa probinsya ng Sulu.

Palabas na sana sa kanilang office compound sa San Raymundo, Jolo si Gaspar nang lapitan ng isang armadong lalaki at agad binaril sa ulo ng .45 caliber pistol ng ilang ulit na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Agad na tumakas ang salarin sa kalagitnaan ng kaguluhang sanhi ng mga putok na umalingawngaw sa kapaligiran.

Ayon kay Macapaz, nagtutulungan na ang Jolo Municipal Police Station at Sulu Provincial Police Office sa pagkilala sa pumatay kay Gaspar.

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with