^

Probinsiya

Teroristang NPA todas sa encounter 

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang pinaghihinalaang tero­ristang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) makaraang makaengkuwentro ang tropa ng military sa Brgy. Sangay, Kalamansig, Sultan Kudarat nitong Biyernes ng umaga.

Sa report ni Lt. Col. Christopherson Capuyan, commanding officer ng Army’s 37th Infantry Battalion, alas-9:30 ng umaga nang makasagupa ng kaniyang mga tauhan ang teroristang grupo sa dalawang magkahiwalay na bakbakan na tumagal ng 20-minuto.

Tumakas kalaunan ang mga kalaban at iniwan nilang nakahandusay ang isa sa kanilang kasamahan na nakilala lang sa alyas “Cardo”, na napag-alamang tagasunod ni alyas “Brix” ng Sub-regional Command Daguma, Far South Mindanao Region ng CPP- NPA- NDF. Nasamsam din ng kasundaluhan ang M16 Rifle at apat na mga magazine ng nasabing armas.

Dahil dito, inalerto ni Brig. Gen. Michael A. Santos, commander ng 603rd Brigade ang mga yunit ng militar malapit sa pinangyarihan ng engkwentro upang tugisin ang mga nagsitakas na mga terorista.

Pinuri naman ni Bri­gadier General Donald Gumiran, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, ang katapangan ng mga sundalo sa matagumpay na engkuwentro“Patunay lamang ito na handa ang inyung kasundaluhan na ialay ang buhay sa paglilingkod sa bayan.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with