^

Probinsiya

3-anyos estudyante nahulog sa school building, patay

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3-anyos estudyante nahulog sa school building, patay
Dito sa school building na ito nahulog ang biktima

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang 13-anyos na estudyante nang aksidenteng nahulog mula sa ikaapat na palapag ng gusali sa kanilang paaralan sa Kidapawan City,kahapon ng umaga.

Kinumpirma, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag ng administrasyon ng Kidapawan City National High School ang pagkamatay ni John Lloyd Bedua.

Ayon kay Col. Gilbert Tuzon, director ng Cotabato Provincial Police Office, walang indikasyon na itinulak ng sinuman si Bedua mula sa naturang gusali kaya ito lumagpak sa lupa na nagsanhi ng kanyang pagkamatay.

Ang paaralang pinapasukan ni Bedua ay nasa sentro ng Kidapawan City, ang provincial capital ng Cotabato.

Na-record ng mga security cameras sa pa­ligid ng paaralan ang masaklap na aksidenteng naganap.

GILBERT TUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with