P43 milyong electronics nasamsam sa raid ng CIDG
MANILA, Philippines — Umaabot sa P43 milyong halaga ng electronics ang nakumpiska ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Meycauayan, Bulacan.
Kinilala ni CIDG Director Police BGen. Nicolas Torre III ang isa sa apat na naaresto na si Chi Ho, may-ari ng Hot Screen Electric Corporation, sa Sterling Industrial Park, Brgy. Libtong.
Ayon kay Torre, isinagawa ang operasyon nitong Miyerkules sa bisa ng search warrant mula sa Regional Trial Court ng Capas, Tarlac dahil sa paglabag sa Consumer Act of the Philippines.
Nakuha sa lugar ang nasa mahigit 3,183 smart TV units ng iba’t ibang brand, kasama ang mga TV parts, monitors, at iba pang electronics na nagkakahalaga ng mahigit P43 milyon.
Ani Torre target nila ang mga large-scale illegal manufacturing at distribution ng mga produktong makakaapekto sa operasyon ng mga lehitimong negosyante.
Binigyan diiin ni Torre na ang operasyon Oplan Megashopper ay alinsunod sa kautusan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. naprotektahan ang interes, kapakanan at karapatan ng publiko gayundin ang business industry.
- Latest