Kelot na nakialam sa pagtatalo binaril, dedo
MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin nang tangkaing makialam sa mainitaang pagtatalo sa pagitan ng suspek at isang saksi kahapon ng umaga sa Sta. Maria, Laguna.
Nadiskubre ang bangkay ni Vicente Aveneda Jr. na nakahandusay sa kalsada ng mga rumespondeng pulis sa Sitio Sulat, Barangay Parang ng Buho, dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Bago ang pamamaril, sinabi ng pulisya na ang suspek – isang alyas Herson ay sakay ng puting Isuzu Crosswind at nasa ilalim ng impluwensya ng alak ay dumating sa bahay ng isang saksi.
Sa komprontasyon sa pagitan ng suspek at isang saksi, dumating si Aveneda upang subukang patahimikin ang dalawa, gayunpaman, nagalit ang suspek sa biktima.
Dahil dito, bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima ng ilang beses nang malapitan, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
- Latest