4 todas sa plane crash sa Maguindanao

MANILA, Philippines — Apat katao ang kumpirmadong patay sa pagbagsak ng isang private plane kahapon ng hapon sa Barangay Malatimon,Ampatuan, Maguindanao del Sur,kahapon ng hapon.
Kinumpirma ng local executives at Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bagsamoro Autonomous Region ang nasabing insidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.
Sa salay ng mga saksi na rumesponde sa lugar na napuna nila ang eroplano na body number N349CA ay paikot-ikot sa ere bago tuluyang bumagsak sa bukid ng nasabing barangay.
Ayon sa mga barangay officials na ang dalawang nasawi ay Caucasians na nakasuot ng asul at pulang t-shirt.Nadamay din ang isang kalabaw na naputol ang nguso.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente.
Nagsasagawa na rin ng retrieval operation ang mga otoridad upang mabawi ang mga katawan ng mga biktima at makuha ang mahahalagang bahagi ng eroplano na makakatulong sa imbestigasyon.
- Latest