10K personnel idedeploy sa Eastern Visayas sa May 12 midterm elections
MANILA, Philippines — Umaabot sa 10,000 personnel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang idedeploy sa mga istratehikong lugar upang tiyakin ang seguridad ng gaganaping midterm elections sa Mayo 12 ng taong ito.
Ito ang nabatid kay Philippine Army’s 8th Infantry Division Commander Major Gen. Adonis Ariel Orio matapos naman ang paglagda sa Solidarity Pact ng nasabing mga law enforcement agencies, Comelec at iba pang ahensiya sa ilalim ng Regional Joint Security Control (RJSCC) nitong Miyerkules.
Sinabi ni Orio na gagampanan nila ang kanilang misyon upang tiyakin na ang boses ng mga botante ay mapapakinggan, mapoprotektahan at irespeto ang 2025 National and Local Elections .
Sa panig naman ni Police Regional Office 8 (Eastern Visayas) Director P/Brig. Gen. Jay Cumigad, tiniyak nito sa publiko ang buong suporta ng PNP para sa mapayapang halalan.
Partikular namang tututukan ang mga lugar na may mainit na labanan sa pulitika gayundin ang may mga presensiya ng mga armadong grupo tulad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).
Ipinatitiyak naman ni Comelec Eastern Visayas Director Atty. Remlane Tambuang ang katiwasayan ng midterm polls na makaboto ng malaya at walang anumang takot.
- Latest