Lola tepok sa salpok ng motor
MANILA, Philippines — Patay ang isang 68-anyos na lola makaraang tumbukin ng isang motor na Suzuki raider habang tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Brgy. Bacao 2, Gen. Trias City, Cavite.
Tumilapon ang matandang biktima na agad nitong ikinamatay na kinilalang si Elizabeth Monton, residente ng Purok 8, Brgy.Bacao 2, Gen Trias City, Cavite.
Arestado naman ang suspek at sinampahan ng kaukulang kaso na kinilala sa alyas Gabriel , 25-anyos, Production Operator-HTI PTE Ltd. residente ng Purok 6, Brgy. Bacao 2, Gen Trias City, Cavite .
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:40 ng umaga ay tumatawid ang biktima sa nasabing highway kung saan may isang sasakyan na huminto na upang pagbigyan ang pagtawid ng biktima nang mag-overtake ang motor ng suspek na Suzuki Raider 150 na may plate #D895JV dahilan upang matumbok nito ang matanda.
- Latest