^

Probinsiya

15-anyos ginawang ‘hitman’ arestado!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
15-anyos ginawang âhitmanâ arestado!
Sa report ng Mamba­ling Police Station sa Cebu City, nahuli ang suspek na isang “out of school youth” nitong Lunes, Pebrero 3 sa bayan ng Dalaguete.
Pixabay

Suspek sa pagpatay sa babae sa Cebu

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad ang isang 15-anyos na lalaki na umano’y ginawang “hitman” at suspek sa pagbaril at pagpatay sa isang ginang noong Pebrero 2, 2025 sa southern Cebu.

Sa report ng Mamba­ling Police Station sa Cebu City, nahuli ang suspek na isang “out of school youth” nitong Lunes, Pebrero 3 sa bayan ng Dalaguete.

Ang menor-de-edad ang itinuturong responsable sa pagpatay sa 44-anyos na ginang sa Brgy. Duljo, Cebu City.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang .45 caliber na posibleng ginamit sa krimen.
Aminado ang mga awtoridad na ikinagulat nila ang impormasyon na nagsisilbing “hitman” at mi­yembro ng gun-for-hire ang suspek sa murang edad.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang dalawang kasamahan ng suspek na isinasangkot din sa nasabing krimen.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa ginang at isa sa tinitignang anggulo ay may kaugnayan sa iligal na droga.

Inaalam na rin ng Wo­men and Protection Desk kung ang nasabing menor-de-edad ay alam ang ina­akusa sa kanya na krimen.

HITMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with