^

Probinsiya

Konsehal naipit sa minamanehong grader, tigok

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines — Patay ang 52-anyos na barangay konsehal sa bayan ng Rosario, dito sa lalawigan, matapos maipit sa minamaneho nitong heavy equipment noong Martes ng umaga.

Ayon sa Rosario Police, minamaneho ni Kagawad Rudy Endencio ng Barangay Antipolo, Rosario, Batangas ang isang road grader upang tanggalin ang mga lupa na nakaharang sa kalsada ng Barangay Calantas, alas-7:30 ng umaga nang maganap ang insidente.

Bigla umanong nawalan ng preno ang grader hanggang sa dumausdos sa malalim na bahagi ng kalsada habang pilit na iniiwasan pa niya ang mga naglalakad na estudyante.

Bago tuluyang mahulog, tumalon si Endencio mula sa minamanehong grader para iligtas ang sarili pero minalas siyang maipit ng grader kung saan siya bumagsak.

Sinubukan pang sagipin ang biktima gamit ang isang payloader truck para iangat ang nakaipit na heavy equipment sa katawan nito pero patay na siya nang mahugot dahil sa tinamong sugat sa ulo.

Si Endencio ay dati ring kapitan ng Barangay Antipolo bago naging primera konsehal sa nasabing barangay.

KONSEHAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with