^

Probinsiya

Kagawad itinumba sa tapat ng school campus

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang barangay kagawad na popular sa kanyang masigasig na pagtulong sa mga anti-crime campaign ng pulisya ang napatay sa pananambang sa isang mataong lugar sa tapat ng school campus sa Pagadian City nitong umaga ng Miyerkules.

Ang biktima na kinilalang si Francisco Maca Jr., isang kagawad sa Barangay Poblacion sa Kumalarang, Zamboanga del Sur, ay agad namatay sa mga tama ng bala sa ulo nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa tapat ng campus ng Saint Columban College sa Pagadian City, ang kabisera ng Zamboanga del Sur.

Sa inisyal na ulat nitong Lunes ng tanghali ni Col. Restituto Pangusban, director ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, tinutugis na ng kanilang mga operatiba ang mga pumaslang kay Maca na mabilis na nakatakas sa kalagitnaan ng kaguluhang sanhi ng mga putok na umalingawngaw sa kapaligiran.

Ayon kay Pangusban, nagtutulungan ang mga imbestigador ng Pagadian City Police Office at ng Kumalarang Municipal Police Station sa pagkilala sa mga pumatay kay Maca upang masampahan ng mga kaukulang kaso.

PAGADIAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with