^

Probinsiya

Nagduwelo ng patalim: 63-anyos dedo, 1 kritikal

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

GUINOBATAN, Albay, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 63-anyos na lolo habang kritikal ang kaduwelo nito makaraang harapang magsaksakan ang da­lawa sa Purok-2, Brgy. Lower Binogsacan, Guinobatan, Albay kama­kalawa ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Lolo Sidro habang patuloy na inoobserbahan ang kalaban nito na si Salvo, 41-anyos, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw sa hindi inaasahan ay nagsalubong ang landas ng may matagal nang alitan na sina Lolo Sidro at Salvo.

Dahil sa kimkim na galit sa isa’t isa ay biglang nagsaksakan ang dalawa na kapwa duguang isinugod ng kanilang mga kaanak at residente sa Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Memorial Hospital sa Ligao City.

Idineklarang dead-on-arrival ang matanda dahil sa maselang kondisyon ay inilipat si Salvo sa Bicol Regional Hospital and Medical Center sa Legazpi City.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with