^

Probinsiya

Higit 300 inilikas sa pag-aalburoto ng Mt. Kanlaon

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit 300 inilikas sa pag-aalburoto ng Mt. Kanlaon
This handout photo taken on June 18, 2016 and released by Philippines Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) shows Kanlaon volcano as it spewed ash into the air as seen from the observation post of the PHIVOLCS in La Carlota town, Negros Occidental province, central Philippines. Mount Kanlaon, located in the central island of Negros, launched a plume of whitish-grey ash about 1.5 kilometres (almost a mile) into the air, said Kenn John Veracruz of the official Philippine Institute of Volcanology and Seismology
AFP/Philippine Institute of Volcanology and Seismology

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 300 residente ang inilikas sa gitna na rin ng pag-aalburoto ng Mt. Kanlaon sa Canlaon City, Negros Oriental.

Sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD)-Region 7, ang Bulkang Kanloan ay patuloy na nagbabadya sa kaligtasan ng mga residente sa palibot nito kaya inilikas ang 92 pamilya o kabuung 301 indibidwal mula sa palibot ng bulkan sa Brgys. Malaiba, Masulog Pula at Lumapao; pawang saklaw ng 4-kilometer radius permanent danger zone(PDZ).

Sa monitoring ng Philip­pine Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagluwa ang Bulkang Kanlaon ng may halos 10-libong tonelada ng asupre kaugnay ng patuloy na pag-aalboroto ng bulkan sa nagdaang 24-oras.

Nagtala rin ang bulkan ng 337 volcanic earthquakes at malakas na pagsingaw na may 1000 metrong taas na napadpad sa timog-silangan ng bulkan. May pamamaga rit ito na indikasyon na may nagaganap na aktibidad sa loob nito.

Bunsod nito, pinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa loob ng 4-km PDZ at sa paglipad ng anumang aircraft malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagputok ng steam o phreatic explosions.

Patuloy na nasa ilalim ng alert level 2 ang estado ng naturang bulkan.

vuukle comment

MT. KANLAON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with