Mag-asawang trader inutas sa tindahan
MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawang negosyante ng mga hindi nakilalang salarin sa harap mismo ng kanilang tindahan sa pamilihang bayan ng Buan sa Batangas, nitong Lunes ng madaling araw.
Kapwa dead-on-arrival sa Bauan General Hospital ang mga biktimang sina Marlon de Torres, 52 at misis na si Angelina.
Parehong hindi na umabot ng buhay sa Bauan General Hospital ang mga biktimang sina Marlon, 52-anyos, at asawang si Angelina, 50 dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa report ng Bauan Police, dakong alas-4:30 ng madaling araw, nang mangyari ang pamamaril sa tindahan ng mag-asawa sa ikalawang palapag ng Pamilihang Bayan ng Bauan sa Barangay Pob. 3, Bauan, Batangas.
Magbubukas pa lamang ang mag-asawa ng kanilang tindahan nang biglang sumulpot ang mga suspek saka pinagbabaril ang mga biktima.
Ayon sa isang witness, nakarinig na lamang siya ng mga putok, pero hindi na niya nakita ang mga salarin at nagtago na siya sa loob ng kanyang tindahan dahil sa takot.
Agad na tumakas ang mga salarin matapos na kunin ang pera ng mga biktima. Isa ito sa mga tinitignang motibo ng pulisya sa krimen.
Patuloy pa ang imbestigasyon at nangangalap pa ng kuha ng CCTV sa lugar para matukoy kung sino ang mga salarin.
- Latest