^

Probinsiya

2 utol niratrat ng kuya, todas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niratrat ng isang kuya ang kanyang dalawang nakababatang kapatid sa Barangay Ayala, Zamboanga City nitong Miyerkules.

Batay sa ulat ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), walang maibigay na paliwanag ang ate ng mga biktima na si alias Nene kung bakit pinatay ng suspek ang dalawa nilang kapatid sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi ni Nene na nakarinig na lamang siya ng mga putok ng baril at nang kanyang tingnan ay naa­butan niyang hinahabol ng baril ng kuyang si James ang dalawang nakababata nilang mga kapatid.

Todas ang magkapatid nang maabutan at mapuruhan ng mga tama ng bala.

Sa ulo ang tama ng 35-anyos na bunsong lalaki habang mara­ming tama ng bala sa katawan ang 42-anyos nilang kapatid. Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek.

Naniniwala naman ang pulisya na posibleng sangkot ang suspek sa mga illegal na gawain at iyon ang naging isyu sa magkakapatid.

Nanawagan naman ang anak ng suspek na sumuko na ito at pagbayaran ang ginawang krimen.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestiga­syon ng pulisya sa motibo ng krimen habang tinutugis ang salarin.

vuukle comment

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with