^

Probinsiya

Butane gas sumabog: Hepe ng pulisya, 6 pa sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Samgyupsal sa police station

MANILA, Philippines — Pitong katao ang nasugatan kabilang ang hepe ng San Simon Muncipal Station matapos ang pagsabog ng butane gas habang nagsa-samgyupsal sa loob ng police station.

Kinilala ang mga sugatan na sina PMajor Leonardo Lacambra, Staff Sergeants Mary Jane Genobili at Jay-r Mabborang, mga non-uniformed personnel Rolalyn Pascua, Marvin Novesteras, Rowena Ignacio Celestial, at Euis Pauig.

Base sa imbestigasyon, nangyari ang pagsabog, alas-5:30 ng hapon nitong Martes sa loob mismo ng nasabing police station.

Naghahanda ang mga kapulisan para sa gagawing samgyupsal na kanilang hapunan nang biglang sumabog ang butane gas cylinder ng kanilang portable stove.

Nagtamo ng first-degree burn ang mga biktima at agad na dinala sa ASCOM Hospital sa Apalit, Pampanga.

Nakalabas na ang tatlo sa mga sugatan habang ang apat kabilang si Lacambra ay nananatili sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan.

Sinabi ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal, lumilitaw na sub standard ang butane na ginamit sa samgyupsal.

Pinag-iingat nito ang kanyang mga tauhan sa paggamit ng butane upang maiwasan na maulit ang insidente.

Nakipag-ugnayan na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) para magsagawa ng inspection sa butane na ibinebenta sa kanilang pamilihan.

vuukle comment

SAN SIMON MUNCIPAL STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with