Kelot arestado sa 2 kilo ng shabu sa Zamboanga City
COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga mga hindi unipormadong mga pulis ang abot sa dalawang kilong shabu sa isang dealer na na-entrap sa Barangay San Jose Gusu sa Zamboanga City nitong madaling araw ng Biyernes.
Sa pahayag nitong Sabado ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, agad na inaresto ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office ang lalaking suspect matapos silang bentahan ng dalawang kilong shabu, nagkakahalaga ng P13.6 million, sa isang entrapment operation sa isang lugar sa Barangay San Jose Gusu.
Nailatag ang naturang matagumpay na operasyon sa tulong ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe, ayon kay Masauding.
Ayon kay Masauding, nakakulong na sa detention facility ng Zamboanga City Police Station 11 ang naarestong shabu dealer at sasampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest