^

Probinsiya

Korean Navy officer umangal sa pasahe, sinuntok ng trike driver!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Habang nasa ‘humanitarian mission’ sa ‘Pinas

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Inireklamo ng isang sundalo mula sa South Korean Navy na bahagi ng ginagawang “2024 Pacific Partnership” ang isang Pinoy tricycle driver matapos siyang suntukin makaraan silang magtalo dahil sa mataas na singil sa pasahe sa Brgy. Bitano, ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Agad na nahuli ang suspek at ikinulong na kinilala lamang sa alyas “Kayo”, nasa hustong gulang, residente ng Old Albay District, Legazpi City, Albay.

Nahaharap si Kayo sa patung-patong na kaso makaraang ireklamo ng sundalong Koreano na si alyas “Yong”, 21-anyos, residente ng Changwon-si, Gyeongsangnam-do, Republic of Korea, at kasapi ng Korean Navy na nagsasagawa ng “humanitarian mission” sa lungsod na ito kasama ang mga sundalo mula sa US Navy.

Sa ulat, kasama ang tatlo pang sundalo ng South Korean Navy ay nagpunta at kumain ang grupo sa isang barbecue house sa Juan Estevez St., Old Albay District.

Dakong alas-8:45 ng gabi ay sumakay ang mga Korean Navy offi­cers sa kulay orange na tricycle sa Parada-5 at nagpahatid sa isang mall kung saan naghihintay ang kanilang sasakyan para bumalik ng barkong ROK-ll Chul Bong (LST-688) na nakadaong sa Tabaco City Port.

Gayunman, pagda­ting sa lugar ay mainit na nagtalo ang biktima at tricycle driver dahil sa hinihinging mataas na pasahe ng huli hanggang sa suntukin sa mukha ng agresibong tricycle driver ang nasabing dayuhang sundalo.

Mabilis namang naaresto ng mga pulis ang suspek na trike driver at ikinulong dahil sa overcharging at pananakit sa nasabing dayuhang sundalo.

Ang nasabing Korean Navy officer ay kasama ng mga US Navy na lulan naman ng higanteng naval ship na “Bismarck” na nakadaong sa Legazpi City Port para sa dalawang linggong “humanitarian mission” sa lungsod na ito na nagsimula noong Agosto 1. 

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with