^

Probinsiya

Bahay ng 2 Chinese na inuugnay kay Harry Roque, ni-raid

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng 2 Chinese na inuugnay kay Harry Roque, ni-raid
This photo shows the two foreign nationals nabbed by authorities in Tuba, Benguet.
Released / Bureau of Immigration

Mga ‘cyber tools’ nakumpiska…

 TUBA, Benguet, Philippines — Sinalakay at hinalughod ng mga operatiba ng Benguet Police na armado ng cyber warrant ang isang bahay na hinihinalang pagmamay-ari ni dating Presidential Spokesman Atty. Herminio “Harry” Roque Jr. kung saan unang naaresto ang dalawang Chinese fugitives na sinasangkot sa illegal POGO complex sa Bamban, Tarlac.

Sa ulat, nakumpiska sa isinagawang search ng mga awtoridad dakong alas-8:30 ng gabi nitong Biyernes ang tatlong Apple iPad tablets, isang Kindle iPad tablet at dalawang Apple iMac desk top computers na hinihinalang naglalaman ng mga illegal dealings.

Mismong si Roque, na inuugnay sa dalawang nadakip na Chinese, ang sumaksi sa search warrant operation sa Lot 37, Block 23, Pinewoods Subd., Pob­lacion, Tuba, Benguet.

Sinabi ni Roque na boluntaryo niyang pinayagan ang mga awtoridad nitong Biyernes ng tanghali na kunin sa nasabing bahay ang umano’y mga “cyber tools” ng mga Chinese na sina Sun Liming at Wan Yun alias “Yun Wan” para sa itinakdang search and seizure operations ng nasabing araw.

Magugunita na ­tanging sina Liming at Yun ang nadakip sa unang pagsalakay ng Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) ng nakalipas na linggo sa nasabing bahay sa Pinewoods, na pinaghihinalaan na isang “IT hub” na ginagamit ng mga suspek sa kanilang international scamming operations.

Sa kabila nito, itinanggi ni Roque na may nalalaman siya sa illegal operations ni Li­ming at mga kasabwat.

Iginiit ni Roque, ang korporasyon kung saan isa sa siya sa incorporator --“Ph2 Blk 23 Lot 37 Pinewoods Inc”, ay ang nagmamay-ari ng bahay sa Pinewoods Subd. at inuupahan lang ito ng dalawang puganteng Chinese.

Bagama’t itinuturing ng PAOCC si Roque Jr. at kanyang misis na si Maila bilang mga “persons of interest”, agad tumalima ang una at nakipag-cooperate sa mga awtoridad sa isinagawang imbestigasyon kay Liming at mga kasab­wat nito.

Sa kaganapan sa kaso, nakakuha ang Tuba Police nitong Biyernes ng hapon ng “Warrant to search, seize, and examine computer data” mula kay Regional Trial Court Branch 62 Judge Leody M. Opolinto na nag-u­utos na kumpiskahin ang mga “cyber gadgets” na pinaghihinalaan ng awtoridad na ginagamit ng Liming’s international scamming activities na kumikita ng bilyun-bil­yong Chinese Yuan.

Ang “search” ay sinaksihan din nina Pob­lacion Tuba barangay chairman Oliver K. Paus at Barangay Kagawad Ephraim M. Basil.

“There were no illegal items recovered although four tablets and two computer monitors were taken from the property pursuant to a Cyber Warrant subsequently procured after the search issued by the Regional Trial Court of Benguet,” pahayag ni Roque.

Dagdag ng dating presidential spokesman --“the consent to voluntary search of the residence is only the beginning of our full cooperation to determine if Ph2 Inc or Atty Roque himself has any responsibility for the apprehension of the fugitive Chinese national.”

Sinabi pa ni Roque na binigyan na rin niya si PAOCC chief Undersecretary Gilbert Cruz ng kopya ng “lease contract” sa pagitan ng Ph2 at Wan Yun na nagpapakitang renters lang ng nasabing bahay ang mga Chinese at walang “business” o anumang ugnayan sa kanya o maging sa maybahay nito.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with