^

Probinsiya

Camarines Sur encounter: 1 kadre tumba

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

SAN FERNANDO, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang kasapi ng New People’s Army habang nabawi ang limang matataas na uri ng kalibre ng baril matapos magkaengkwentro ang mga komunista at sundalo ng Philippine Army kasama ang mga pulis sa Brgy. Tagpocol ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng nasawing kadre na nasa punerarya ng bayan.

Nabawi ng tropa ng gobyerno sa mga rebelde ang tatlong M16 armalite rifle; dalawang M653 rifle; at isang grenade launcher.

Sa ulat, dakong alas-6:22 ng umaga habang nagsasagawa ng combat strike operation ang magkasanib na mga tauhan ng 95th Military Intelligence Company; 9th Infantry Battallion ng 9th Infantry Division ng Philippine Army; 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company; Regional Mobile Force Battalion 5; Provincial Intelligence Unit at San Fernando Police nang makasagupa nila ang tinatayang 19-bilang ng mga komunista na kasapi ng Kilusang Larangan Gerilya 1 at Platun 3 ng NPA Bicol Regional Party Committee sa ilalim ng pamumuno ni Nancy Ortega alyas “Ka Lilay”. 

Umabot ng ilang minuto ang palitan ng putok hanggang sa masapol ng bala at masawi ang isang kadre dahilan para tumakas ang mga kasamahan sa iba’t ibang direksyon.

Wala namang nasugatan o nasawi sa bakbakan sa panig ng gobyerno.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with