Bayan sa Basilan, idineklarang ASG free
MANILA, Philippines — Matapos ang mahabang panahon, sa wakas, idineklara ng Abu Sayyaf Group (ASG) free ang bayan ng Ungkaya Pukan sa lalawigan ng Basilan na sinasabing dating balwarte ng naturang mga bandido.
Sa report ni Brig. Gen. Alvin Luzon, Commander ng Army’s 1011st Infantry Brigade, ang Ungkaya Pukan ay idineklarang malaya na sa terorismo ng mga bandido sa ginanap na seremonya kamakalawa sa Ungkaya Pukan Municipal Hall sa Brgy. Bohe Pahu, Ungkaya Pukan ng lalawigang ito.
Sa nasabing seremonya ay itinurnover din ang isang 60mm mortar na gamit ng mga bandido kay Luzon.
“The surrender of the crew-served weapon was facilitated by Lt. Col. Michael Colanta, the commanding officer of the 45th Infantry Battalion (45IB),” anang opisyal.
Dumalo sa nasabing okasyon ang mga Barangay Captains at Konsehal ng Ungkaya Pukan gayundin si Mayor Jomar Maturan.
“The ceremonial declaration was also made possible through the collaboration with the Local Chief Executive (LCE) of said municipality”, dagdag pa sa report.
Pinapurihan naman ni Lt. Gen. William Gonzales, commander ng AFP-Western Mindanao Command ang tropa ng mga sundalo sa matagumpay na panunumbalik sa normal at kaayusan ng Ungkaya Pukan dahil sa puspusang anti-terrorism campaign.
- Latest