^

Probinsiya

P10 milyong ayuda, ipamamahagi sa mga iskul sa Tabaco City

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

TABACO CITY, Albay, Philippines — Laking tuwa at pasasalamat ni Tabaco City DepEd Schools Division assistant Superintendent Ma. Jeany Abayon matapos na pumasok na sa kanilang opisina ang P10 milyong budget na karagdagang MOOE (maintenance and other operating expenses) na ipapamahagi sa iba’t ibang paaralan sa lungsod.

Ang P10 milyong pondo ay maliban pa sa regular na MOOE budget ng kanilang opisina na ibinigay ni Cong. Elizaldy Co, chairman ng committee on budget and appropriations ng Kamara na nakatakdang paghati-hatian ng lahat ng mga paaralan sa lungsod.

Napakalaking tulong umano ng idinownload na halaga upang mapunan ang pangangailangan at gastusin ng mga paaralan.

Ayon kay Cong. Raul Angelo “Jill” Bongalon, lahat ng 13-schools division ng Department of Education sa Kabikulan ay makatatanggap ng tig-10 milyong piso para pangdagdag sa gagastusin ng mga paaralan para sa pambayad sa tubig, kuryente, internet, guwardya at iba pa.

Sinabi ni Bongalon na may mga paaralang nag-request pa umano sa kanilang opisina para sa electric fan, laptop at iba pang educational supply kaya naisipan nila ni Cong. Co na maglaan na ng pondo tig-130 milyong piso para sa lahat ng division office sa buong Bicol Region.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with