^

Probinsiya

Albay encounter: 1 NPA todas, 2 pa arestado

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CAMALIG, Albay, Philippines — Patay ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) habang dalawa ang naaresto matapos na makaengkwentro ang mga pulis at sundalo sa Brgy. Magogon, Camalig, Albay ka­makalawa ng madaling araw.

Kinilala ang komunistang nasawi sa alyas na “Chan” habang arestado naman ang dalawa pang kadre na kinilala sa mga alyas na “Marsi/Masi”, 42-anyos, construction worker, may mga kasong attempted murderat destructive arson; at “Yeng”, magsasaka, 44, na may kasong murder.

Sa ulat ni PRO5 regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon, isang residente ng barangay ang nagpara­ting ng ulat sa Camalig Municipal Police Station na may ilang armado ang nakitang naglalakad sa kanilang lugar.

Mabilis na bumuo ng team ang Camalig Police kasama ang mga sundalo ng Philippine Army at kasapi ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at dakong alas-2:45 ng mada­ling araw ay pinuntahan ang lugar.

Papalapit pa lang ang tropa ng pamahalaan ay pinutukan na umano sila ng mga komunista sanhi ng bakbakan na umabot ng 30-minuto hanggang sa bumulagta si “Chan” dahilan para umatras ang mga kasama at maaresto naman ang dalawa pa.

Ayon kay Dizon, ­umamin ang naarestong si “Yeng” sa Camalig Police na may mga itinago silang armas sa liblib na lugar ng Purok-3, Brgy. Panoypoy ng naturang bayan kaya agad pinuntahan ng tropa.

Matagumpay na na­rekober sa lugar ang ilang sako na may lamang limang M14 rifle; isang M16 armalite rifle; mga magazines ng M16 at M14 rifle, mga bahagi ng naturang mga baril at 729 na bala ng M14 rifle.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with