^

Probinsiya

Opisyal ng Cotabato City DRRMO todas sa ambush

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Opisyal ng Cotabato City DRRMO todas sa ambush
Ang opisyal ng Cotabato City DRRMO mata- pos na bumulagta sa daan makaraang tam- bangan at pagbabarilin habang lulan ng mo- torsiklo ng ‘di kilalang suspek sa nasabing lungsod.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines —  Patay ang isang opisyal ng Cotabato City Disas­ter Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) matapos na tambangan at pagbabarilin ng mga kalalakihan sa lungsod nitong Biyernes ng gabi.

Sa pahayag nitong Sabado ni Cotabato police director Querubin Mana­lang, Jr., agad na pumanaw sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol ang biktima na si Jose Raymond Marquez, mas kilala sa kanyang palayaw na Choco, nang tambangan ng hindi pa kilalang mga salarin sa isang mataong bahagi ng Sinsuat Avenue sa Cotabato City, sa tapat mismo ng isang gasoline station na hindi kalayuan sa kanyang tirahan.

Si Marquez, 42-anyos, mula sa mga kilalang naunang mga angkan ng mga Katoliko sa Cotabato City, ang mga Ante at Marquez, ang siyang chief of operations ng CDRRMO rito. Siya ay apo ng namayapa nang tubong Cotabato City na pari na si Jose Ante, ng Oblates of Mary Immaculate congregation na naging presidente ng Notre Dame University sa Cotabato City, ang pinakamalaking unibersidad na Katoliko sa buong Central Mindanao.

Wala pang linaw sa mga imbestigador ng Cotabato City Police Office kung sino ang mga pumatay kay Marquez at kung ano ang kanilang motibo sa krimen.

vuukle comment

CDRRMO

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with