^

Probinsiya

Misis patay sa nag-amok na mister!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Misis patay sa nag-amok na mister!
Sa magkahiwalay na ulat nitong umaga ng Sabado ng Albarka Municipal Police Station at Basilan Provincial Police Office, unang pinagtataga ng nagwalang mister na si Labi Abdulganih ang kanyang misis na si Junaira sa kanilang bakuran sa Sitio Buwal, Barangay Look Bisaya at nang tumakbo palayo kahit sugatan ang ginang upang humingi ng saklolo ay pinagbabaril pa siya ng assault rifle.
STAR/ File

Suspek inutas ng bayaw

COTABATO CITY, Philippines —  Kalunus-lunos ang sinapit ng isang misis sa kamay ng sariling mister na nag-amok matapos siyang pagtatagain at pagbabarilin bago naman napatay ang huli ng kanyang rumes­pondeng bayaw sa isang liblib na barangay sa Al-Barka, Basilan nitong Biyernes.

Sa magkahiwalay na ulat nitong umaga ng Sabado ng Albarka Municipal Police Station at Basilan Provincial Police Office, unang pinagtataga ng nagwalang mister na si Labi Abdulganih ang kanyang misis na si Junaira sa kanilang bakuran sa Sitio Buwal, Barangay Look Bisaya at nang tumakbo palayo kahit sugatan ang ginang upang humingi ng saklolo ay pinagbabaril pa siya ng assault rifle.

Agad na nasawi si Junaira sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isang kapitbahay naman ng mag-asawa na si Julasbi Asari ang sugatan sa ligaw na bala dahil sa walang patumanggang pamamaril ni Abdulganih. Ayon sa Albarka Police, isang kapatid ng napatay na si Junaira na nagulat sa mga putok ang kumuha rin ng assault rifle sa loob ng kanilang tahanan at sumugod sa lugar saka pinaputukan ang kanyang bayaw na si Abdulganih na nagresulta rin sa agarang kamatayan nito.

vuukle comment

AL-BARKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with