^

Probinsiya

3 konsehal nanggulo, namahiya sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod kinasuhan

Pilipino Star Ngayon
3 konsehal nanggulo, namahiya sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod kinasuhan
Sa resolusyon ni Acting City Prosecutor Maychelle Ablog-Sergio, nakitaan ng sapat na ebidensya sina Dagupan City councilors Redford Christian Erfe-Mejia, Alipio Serafin Fernandez at Victoria Czaririna Lim-Acosta para sampahan ng kasong Disturbance of Proceedings, Grace Goercion at Grave Oral Defamation.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dahil sa ginawa umanong panggugulo at pamamahiya sa loob mismo ng sesyon ng Sangguniang Panlungsod, tatlong konsehal na oposisyon sa pagkakapasa ng P1.3-bilyong budget ng Dagupan City ang pormal nang kinasuhan sa korte.

Sa resolusyon ni Acting City Prosecutor Maychelle Ablog-Sergio, nakitaan ng sapat na ebidensya sina Dagupan City councilors Redford Christian Erfe-Mejia, Alipio Serafin Fernandez at Victoria Czaririna Lim-Acosta para sampahan ng kasong Disturbance of Proceedings, Grace Goercion at Grave Oral Defamation.

Ang tatlo ay kinasuhan dahil sa panggugulo sa Dagupan City Sangguniang Panlungsod session noong Oktubre 2023.

Ang panggugulo ay nakunan ng video at nag-viral pa sa social media na nagpapakita na sina Erfe-Mejia, Fernandez at Lim-Acosta ay paulit ulit na ininsulto at malakas ang boses na inakusahan sa session ang presiding officer Dagupan City Vice Mayor Dean Bryan Kua.

Nakunan din sa video ang pang-aagaw ng mikropono ni Erfe-Mejia at inilayo sa opisyal na nagtatangkang magsalita, naghahayag ng kanyang hinaing sa mga taong nasa sesyon at nais na i-locked ang pinto para walang makalabas.

Ang kaguluhan ay nag-ugat umano sa matagal na pagpasa ng Dagupan City budget sa kabila ng paulit ulit na apela mula sa lokal na pamahalaan, public school teachers, scholars at kanilang mga magulang dahil sa kaguluhan sa pagitan nina Erfe Mejia, Fernandez, Lim-Acosta at apat pang kasamang konsehal na umanoy matagal nang kalaban sa politika ni incumbent Dagupan Mayor Belen Fernandez at Vice Mayor Kua.

Nang maipasa ang P1.3 bilyon budget ng siyudad, ang tatlo umanong konsehal ay nag-demand sa sesyon na ang lahat ng dokumento at procee­dings sa pagkakapasa nito ay alisin mula sa rekord at gawing immaterial.

vuukle comment

KORTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with