^

Probinsiya

30 NPA nalipol, 47 armas samsam sa 1-buwang operasyon sa Visayas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 30 mi­yembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang na-nyutralisa ng tropa ng militar habang nasa 47 armas ang nasamsam sa loob ng isang buwang operasyon nitong Pebrero, ayon sa ulat nitong Sabado.

Sinabi ni Lt. Col. Israel Galorio, spokesperson ng AFP-Visayas Command, dumanas ng matinding dagok ang mga rebeldeng NPA sa walang humpay na operasyon ng militar upang lipulin ang nalalabi pang miyembro ng grupong komunista.

Ayon kay Galorio sa isinagawang serye ng operasyon, 21 engkuwentro laban sa CPP-NPA rebels sa buong Visayas Region ang naitala na nagresulta sa pagkakalipol ng 30 NPA rebels kabilang dito ay ang 14 napaslang sa bak­bakan, 15 ang sumuko at isa ang nadakip.

Sa nasabing bilang, tatlo rito ay mataas na opisyal ng komunistang kilusan na kinilalang sina Rolando Caballera alyas “Chow/Broos”, miyembro ng NPA Regional Executive Committee sa Eastern Visayas na nasawi sa engkuwentro noong Pebrero 10 sa Albuera, Leyte; Domingo Compoc alyas “Cobra”, top NPA leader sa Bohol, napatay naman sa sagupaan noong Pebrero 23 sa Bilar Bohol, at Rene Rhea Camariosa alyas “Sheena”, 2nd deputy secretary ng NPA’s Southern Panay.

Nasa 47 na armas ang nakumpiska ng Joint Task Force (JTF) Spear at Joint Task Force Storm katuwang ang Naval Force Central ng Phil. Naby at Tactical Operations Wing Central ng Philippine Air Force (PAF).

Inihayag naman ni Lt. Gen. Benedict Arevalo, commander ng AFP-VISCOM na sa kabila ng tagumpay ng military operations ay hindi pa tapos ang kanilang mis­yon. Malaki aniya ang naitulong ng taumbayan sa tagumpay ng anti-insurgency campaign ng militar.

vuukle comment

AFP

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with