^

Probinsiya

19-anyos dalaga timbog sa higit P.2 milyong marijuana

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Arestado ang isang 19-anyos na dalaga matapos na makuhanan ng mahigit sa P.2 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana at liquid marijuana sa inilatag na drug bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. San Francisco, Gen Trias City.

Kinilala ang suspek sa alyas “Yumi”, residente ng Bel Aldea Subdivision, Brgy. San Francisco, Gen Trias City, Cavite at kasama sa High Value Individual na target ng pulisya.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:55 ng madaling araw nang ikasa ng City Drug Enforcement Unit ng Gene­ral Trias City Police at  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust laban sa suspek sa mismong bahay nito sa nasabing subdivision. 

Nakuha ng awtoridad mula sa suspek ang may 2,141 gramo ng marijuana na may halagang P256,920 at 6.95 grams ng cannabis oil o liquid marijuana na nasa P10,500 ang halaga, isang weighing scale, isang backpack at drug money.

vuukle comment

BEL ALDEA

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with