^

Probinsiya

Drug trafficker tiklo sa P3.4 milyong shabu

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Drug trafficker tiklo sa P3.4 milyong shabu
Hindi na nakapalag ang suspek na si alyas King matapos na maaresto ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Brgy.Talaba 1,Bacoor City,Cavite na kung saan ay nasamsam ang nasa kalahating kilo ng shabu na nagkakaha­laga ng P3.4 milyon.
Ed Amoroso

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang bigtime drug trafficker ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, kama­kalawa.

Kinilala ni Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, ang suspek na si alias King dahil sa patuloy pang tinutugis ang mga kasamahan nito.

Sa ulat, nagsagawa ng buy-bust  operation ang  Drug Enforcement operatives sa Barangay Talaba 1, Bacoor City laban sa suspek na nakumpiskahan ng nasa 500 gramo ng shabu na nasa kalahating kilo na nagkakahalaga ng  P3,400,000, mobile phone at marked bust money.

Ayon kay Gen. Lucas na ang  suspek ay nakalista na High-Value target individual hindi lang sa Bacoor City, kundi ma­ging sa Calabarzon.

Kinasuhan ang suspek ng illegal possession of illegal drugs unknown as Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Provincial Prosecutor’s Office.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with