^

Probinsiya

P11 milyong shabu nasabat sa big-time ‘tulak’ sa Cebu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P11 milyong shabu nasabat sa big-time �tulak� sa Cebu
Hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ng RDEG ang suspek na nakilalang si Ciano Entoma Villanueva, kilalang big-time na ‘tulak’ ng iligal na droga sa lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P11 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng Regional Drug Enforcement Group mula sa itinuturing na high value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation nitong linggo ng gabi sa Cebu City.

Hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ng RDEG ang suspek na nakilalang si Ciano Entoma Villanueva, kilalang big-time na ‘tulak’ ng iligal na droga sa lungsod.

Si Villanueva ay nadakip Linggo ng gabi sa isinagawang buy-bust operation malapit sa Sikh Temple sa Barangay V. Rama Avenue ng nasabing lungsod.

Nagkasundo ang suspek at poseur buyer kaya agad na dinakma ng mga awtoridad nang magpositibo ang transaksiyon.

Nakuha sa suspek ang nasa 1.6 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,880,000.

Base sa impormasyong nakuha ng pulisya, mayroon umanong kontak ang suspek sa Cebu City Jail kung saan niya kinukuha ang mga ibinebentang shabu.

Nabatid na umaabot sa isang kilo ng shabu ang naibebenta ng suspek sa loob lamang ng isang linggo.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with