^

Probinsiya

Raid nauwi sa shootout: 6 patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Raid nauwi sa shootout: 6 patay!
Base sa ulat ng Philippine Army, kabilang sa mga nasawi si Domingo Compoc na may mga alias na “Eloy”, “Cobra” at “Jing”, secretary ng Bohol Party Committee-Defunct Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (BPC (D) KR-NCBS).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Limang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) at isang sundalo ang patay matapos mauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng militar at pulisya laban sa isang opisyal ng nasabing grupo kahapon ng umaga sa bayan ng Bilar, lalawigan ng Bohol.

Base sa ulat ng Philippine Army, kabilang sa mga nasawi si Domingo Compoc na may mga alias na “Eloy”, “Cobra” at “Jing”, secretary ng Bohol Party Committee-Defunct Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (BPC (D) KR-NCBS).

Lumilitaw sa ulat ng Philippine Army, naganap ang engkuwentro dakong alas-6:50 ng umaga sa Purok Matin-ao 2, Barangay Campagao, Bilar, Bohol.

Nabatid na magsisilbi sana ng warrant of arrest ang pinagsanib na puwersa ng mga sundalo at pulis laban kay Compoc subalit nanlaban ang grupo nito dahilan ng engkuwentro.

Mahigit dalawang oras tumagal ang labanan na ikinasawi ng lima sa mga rebelde habang isang sundalo rin ang patay at isa pa ang sugatan na dinala na sa pagamutan.

Sa isinagawang clearing operations, nakuha ng mga sundalo ang malalakas na kalibre ng baril mula sa mga rebelde na kinabibilangan ng isang M16 baby armalite, isang M16 at tatlong kalibre .45 baril.

Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya at militar laban sa mga nagsitakas na terorista.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with