^

Probinsiya

60-anyos lola, kinatay dahil sa mantika

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PANDI, Bulacan , Philippines — Patay ang isang 60-anyos na ginang matapos saksakin sa dibdib ng lalaking nakaaway nito dahil lang sa mantika sa Brgy. Siling Matanda ng nasabing bayan, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si aling Benedicta Gandang habang ang suspek ay si Rolando Dela Cruz, nasa hustong gulang; kapwa residente ng Brgy. Siling Matanda.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-6:00 ng gabi nitong Pebrero 22 sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report, natagpuan si aling Benedicta ng kanyang live-in partner na duguan at wala nang buhay sa kanyang kama.

Nauna rito, bandang-1:00 ng tanghali ay pinuntahan pa ng mister ang kinakasamang si Benedicta para umawat habang nakikipagtalo ang ginang sa suspek dahil lang umano sa cooking oil o mantika.

Inakala ng kinakasama na naayos niya ang pagtatalo nina Benediic­ta at Rolando kaya bumalik na siya sa kanyang trabaho bilang watchman sa isang paaralan.

Gayunman, pag-uwi ng live-in partner ni Benedicta, laking gulat niya nang makitang duguan at patay na ang huli sa kanyang kama.

Ayon sa mga concerned citizen,  nakita umano nila na nagmamadaling sumakay ng pampasaherong dyip si Rolando bitbit ang bagahe nito patungo sa direksyon ng bayan sa Balagtas.

vuukle comment

BENEDICTA GANDANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with