^

Probinsiya

Pugot na bangkay sa Cavite, may ‘tattoo’ ng China syndicate – PAOCC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Ginamit sa sindikato ang pugot na bangkay.”

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz kaugnay sa pugot na bangkay na natagpuang may “dragon tattoo” sa Carmona, Cavite.

“Yung dragon tattoo po, ang pagkaka-describe po sa akin ng mga counterparts natin, mga foreign counterparts ay grupo po talaga ng mga sindikato sa China,” ani Cruz.

Aniya, ito ay simbolo na ginagamit ng isang sindikato sa China at hindi gawa sa Pilipinas.

Magugunitang natagpuan ang pugot at walang saplot na bangkay sa gilid ng isang diversion road sa Barangay Lantic noong nakaraang Linggo. May tattoo itong dragon sa dibdib, mga gasgas at pasa.

“Merong distinct po eh. Pag sinabing tattoo na ginawa sa ibang bansa… ng gang. Medyo magaspang po ang gawa eh. Dito ho sa atin, kung mapapansin niyo medyo makinis,” giit pa ni Cruz.

Nabatid sa opisyal ng PAOCC na kinuha na ng pulisya ang mga sample ng DNA mula sa bangkay.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with