^

Probinsiya

Trak hulog sa bangin: 14 pasahero patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Trak hulog sa bangin: 14 pasahero patay!
At least 14 people died and four injured in a road accident in Sitio Tubod, Barangay Bulwang in Mabinay, Negros Oriental on February 21, 2024.
pna.gov.ph / Photo courtesy of Matt Jun Baldado

MANILA, Philippines — Patay ang 14 katao habang tatlo pa ang sugatan kabilang ang nagsisilbi nilang dri­ver matapos mahulog ang kanilang sinasak­yang truck kahapon ng tanghali sa Mabinay, Negros Oriental.

Ayon sa report ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), patungo sa town proper ng Mabinay ang truck nang mag-overshoot ito sa kurbadang daan at diretsong mahulog sa bangin.

Sinabi ni NOPPO spokesperson Police Lieutenant Stephen Polinar, 14 na biktima ang patay matapos bumulusok at bumaliktad ang truck sa mahigit 20 metrong lalim na bangin sa national highway ng Brgy. Bulwang, Mabinay ng nabanggit na lalawigan dakong ala-1:45 ng tanghali.

Nakaligtas naman ang driver nito at dalawa pa niyang sakay ang sugatan.

Base sa imbestigasyon, walang karga ang truck maliban sa mga taong nakasakay rito na galing sa bayan ng Libertad at patungo sana sa bayan ng Mabinay para bumili ng mga aalagaang baboy.

Nabatid pa kay Polinar, sinabi ng driver na nawalan siya ng preno kaya hindi nito nakontrol sa kurbada ang minamanehong truck.

Nasa kostudiya ngayon ng mga awtoridad ang driver at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa trahedya.

vuukle comment

NEGROS ORIENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with