^

Probinsiya

12-anyos nagpaputok ng baril sa klasrum, arestado!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
12-anyos nagpaputok ng baril sa klasrum, arestado!
Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis kung saan galing o sino ang may-ari at paano naipasok sa paaralan ang Series 80 Colt MK lV Gold Cup Match Caliber 45 ng batang estudyante na itinago lang sa pangalang “Buboy”, residente ng naturang bayan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

CASTILLA, Sorsogon, Philippines — Hawak ngayon ng Municipal Social Worker Development Office ng bayang ito ang 12-anyos na junior high school student matapos arestuhin nang magpaputok ng baril sa loob mismo ng kanilang classroom sa San Rafael National High School sa Brgy. San Rafael, Castilla, Sorsogon kamakalawa ng umaga.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis kung saan galing o sino ang may-ari at paano naipasok sa paaralan ang Series 80 Colt MK lV Gold Cup Match Caliber 45 ng batang estudyante na itinago lang sa pangalang “Buboy”, residente ng naturang bayan.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga habang nasa gitna ng klase ang lahat nang biglang umali­ngawngaw ang malakas na putok sa loob ng nasabing paaralan.

Ayon sa mga saksi, nagpaputok umano ang bata sa loob mismo ng kanilang classroom at buti na lang ay walang tinamaan sa kanyang mga kaklase.

Agad na nag-report sa police station ang guro na si Don Velasco Pesonila sa insidente na agad namang rumes­ponde sa iskul ang mga pulis.

Nabawi mula sa estudyante ang kalibre 45 na may magazine at limang bala. Narekober din sa lugar ang isang basyo ng bala ng natu­rang baril.

vuukle comment

MUNICIPAL SOCIAL WORKER DEVELOPMENT OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with