^

Probinsiya

P3.4 milyong shabu samsam sa 25-anyos ‘tulak’ sa PDEA buy-bust

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P3.4 milyong shabu samsam sa 25-anyos �tulak� sa PDEA buy-bust
Napayuko na lang ang suspek na si Norhan Abdullah Padao matapos maaresto nang makumpiskahan ng may P3.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng PDEA-BARMM sa Cotabato City.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang P3.4 million na halaga ng shabu mula sa isang 25-anyos na drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa gilid ng mataong highway, dito sa lungsod nitong gabi ng Lunes.

Sa ulat nitong Martes ni PDEA-BARMM Director Gil Cesario Castro, hindi na pumalag si Norhan Abdullah Padao nang arestuhin ng mga hindi unipormadong anti-narcotics agents at mga pulis na kanyang napagbentahan ng 500 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P3.4 million, sa mataong bahagi ng Sinsuat Avenue sa Barangay Poblacion 5, downtown area ng Cotabato City.

Naikasa ang naturang matagumpay na buy-bust sa tulong ng mga impormanteng may alam sa illegal ga gawain ni Padao, ayon kay Castro.

Si Padao, residente ng Barangay Kalawag 2 sa Isulan, Sultan Kudarat, ay naka-detine na sa tanggapan ng PDEA-BARMM sa PC Hill area sa Cotabato City.

Ayon kay Castro, sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Padao gamit ang P3.4 million na halaga ng shabu bilang ebidensya.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with