^

Probinsiya

6 sundalo, 2 Maute members patay sa Lanao encounter

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
6 sundalo, 2 Maute members patay sa Lanao encounter
Sinabi ni Army public affairs office chief Colonel Louie Dema-ala na nasugatan din ang apat pang sundalo at ilang miyembro ng Maute sa operasyon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang anim na sundalo at dalawang hinihinalang miyembro ng Maute Group sa operasyon ng militar sa Munai, Lanao del Norte nitong Linggo, ayon sa Philippine Army.

Sinabi ni Army public affairs office chief Colonel Louie Dema-ala na nasugatan din ang apat pang sundalo at ilang miyembro ng Maute sa operasyon.

Napuruhan ang mga sundalo mula sa 44th Infantry Battalion at 3rd Scout Ranger Battalion na nanguna sa operasyon.

“Pursuit operation is ongoing and this is part of the continuing efforts to neutralize the perpetrators of Minda­nao State University bombing,” dagdag ni Dema-ala.

Sinabi ni Armed Forces of the Phili­ppines (AFP) chief Gene­ral Romeo Brawner Jr. na ang operasyon ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan para mahuli ang 18 hinihinalang miyembro ng Maute.

“In continuation of this effort, an operation was launched last February 18 resulting to 2 more dead among the enemy and seve­ral others wounded based on intelligence information,” ayon kay Brawner.

“However, six of our valiant soldiers paid the ultimate sacrifice while another four were wounded,” dagdag niya.

Nakiramay naman si Brawner sa pamilya ng mga nasawing sundalo at nangako na pupuksain ang Maute Group.

Kamakailan ay sinabi ng AFP na napatay ang hinihinalang mastermind sa pagpapasabog sa Minda­nao State University at ang Maute amir na si Khadafi Mimbesa o “Engineer” sa operasyon sa Lanao del Sur noong Enero.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with