^

Probinsiya

Lalaki itinumba ng partner sa negosyo

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Lalaki itinumba ng partner sa negosyo
Stock image of a hand.
Image by soumen82hazra from Pixabay

MANILA, Philippines — Isa ang patay habang isa ang sugatan sa pamamaril ng kanilang mga kakilala sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo hinggil sa partihan ng kita sa kanilang “negosyo” nitong gabi ng Lunes sa Pagadian City.

Sa ulat nitong Martes ng Pagadian City Police Office, agad na nasawi sa mga tama ng bala ang biktimang si Abdul John Amerol Sali, 39, residente ng Barangay Ayala sa Zamboanga City.

Nasugatan ang kasama ni Sali na si Nurhan Hadjarani Saruddin, 31; at taga-Santa Catalina, Zamboanga City.

Ayon sa mga imbestigador ng lokal na pulisya at mga opisyal ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, narinig ng mga saksi na nagtalo muna ang mga biktima at mga salarin sa F.S. Pajares Avenue sa Barangay San Jose sa naturang lungsod hinggil diumano sa partihan ng kita sa kanilang mga transaksyon sa mga sigarilyong mula sa Indonesia.

Pagkatapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang sasakyang kulay gray na Toyota Innova.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with