^

Probinsiya

Kumandidatong konsehal sa Masbate, pinaaaresto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniutos ng hukuman ang pag-aresto sa isang da­ting kandidato para sa Sangguniang Panlungsod ng Masbate na sangkot sa dalawang bilang ng Violence Against Women and Children Act (VAWC) o Section 5 (1) ng Republic Act 9262.

Batay sa inisyung warrant of arrest ni Acting Presiding Jose Ronald M. Bersales ng Masbate Regional Trial Court, Fifth Judicial Region Banch 48 , si John Lorenz Maat Romualdez, o mas kilala bilang “Jolo Romualdez”  ay may kinakaharap na Criminal Case Nos. 22338 at 22339 na may petsang November 2023.

Nakasaad din sa kautusan na may itinakdang P288,000 na piyansa para sa kaniyang pansamantalang Kalayaan.

Inatasan ang mga awtoridad na gumamit ng body-worn camera at isang recording device sa pagpapatupad ng pag-aresto.

Sinabi ng hukom, ayon sa warrant of arrest na ang huling alam na address ng suspek ay nasa isang condominium unit sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ang warrant ay ibinigay sa PNP-Directorate for Investigation and Detective Management at chief of police at station commanders.

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with