^

Probinsiya

Acting barangay chairman na pinatay inihatid na sa huling hantungan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Acting barangay chairman na pinatay inihatid na sa huling hantungan
Dumagsa ang mga tagasuporta at residente na naghatid kay acting Barangay Canlubang Chairman Mario Jun Cogay sa kanyang huling hantungan sa Everest Hills Memorial Park sa Calamba City kahapon.
Ed Amoroso

LAGUNA, Philippines — Matapos ang halos anim na araw makaraang paslangin, inihatid na sa kanyang huling hantungan si acting barangay captain Mario Jun Cogay nitong Huwebes ng hapon kasabay ng pag-iyak ng kanyang pamilya at daan-daang constituents na humihingi ng hustisya sa Barangay Canlubang, Calamba City.

Sa kanyang fune­ral, nagsama-sama ang mga lokal na opisyales na pinangunahan nina City Mayor Roseller “Ross” Rizal at Vice-Mayor Totie Lazaro, daan-daang residente mula sa iba’t ibang sitios na nakasuot ng pu­ting t-shirt at dumalo sa necrological sa covered court ng Barangay Canlubang upang bigyang pagkilala ang mga alaala ng 64-anyos na acting brgy. chairman na pinagbabaril ng dalawang salarin sa may gate mismo ng kanyang bahay nitong Enero 19 ng umaga.

“Justice for Mario Jun Cogay,” sigaw ng nakatatandang anak na babae ni Cogay na si Mildred at mga kapatid nito sa barangay covered court.

Ang mga labi ni Cogay ay inilibing sa Everest Hills Memorial Park sa Silangan bandang alas-3 ng hapon.

Nagbigay rin si Mayor Rizal at mga local officials ng award para kay Cogay dahil sa kanyang dedi­kasyon at mahusay na pagtatrabaho bilang konsehal at acting barangay captain. Tinanggap ni Mildred ang nasabing award para sa namayapang ama.

Nabatid na dalawang resolusyon ang nilagdaan ng mga kasamahang konsehal ni Cogay at isa sa resolusyon ay humihiling sa mga awtoridad na magsagawa ng mabilisan at masusing imbestigasyon sa kaso ng kanilang kasamahang pinaslang.

Maging ang mga tagasuporta, kapwa mga konsehala at ang nagwagi pero hinidi pa napoproklama na barangay chairman na si Larry Dimayuga ay napaiyak at humihingi ng hustisya sa pagkasawi ni Cogay habang ang casket nito ay ibinyahe para sa funeral procession patungong  Memorial.

Dahil sa mga taong dumagsa at sumama sa prusisyon, nagkaroon ng pagsisiskip sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing langsangan na dinaanan nito.

Nasa 1,000 katao na lulan ng mga jeepneys mula sa iba’t ibang sitios ang dumalo sa libing ng officer-in-charge ng kanilang barangay.

vuukle comment

JUN

MARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with