^

Probinsiya

Pulis todas sa sariling baril, ‘di inambus

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis todas sa sariling baril, �di inambus
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Police Staff Sergeant John Kelly Catedral, nakatalaga sa La Libertad Municipal Police Station.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis matapos na aksidenteng mabaril umano ang sarili at hindi tinambangan sa inisyal na ulat nitong Sabado sa Negros Oriental.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Police Staff Sergeant John Kelly Catedral, nakatalaga sa La Libertad Municipal Police Station.

Sa report ng Negros Oriental Police Provincial Office, nangyari ang insidente dakong alas-10:45 ng umaga sa Sitio Looc, Brgy. Martilo, La Libertad, Negros Oriental.

Lumilitaw na nagmamaneho si Catedral ng kanyang scooter patungo sa La Libertad Proper nang huminto sandali sa kalsada upang ayusin ang kanyang long firearm na Galil assault rifle na isyu sa kanya.

Nakita ng ilang saksi na inilagay umano ni Catedral ang baril sa stepboard ng kanyang scooter.

Pero makalipas ang ilang minuto ay nakarinig na lamang ang mga saksi ng isang putok ng baril at nakita si Catedral na nakahandusay na sa kalsada.

Posibleng pumutok ang dalang armas ng biktima na tumama ang bala sa kanya.

Narekober sa ilalim ng scooter ni Catedral ang empty cartridge ng 5.56 caliber rifle.

Sa kabila nito, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

vuukle comment

JOHN

KELLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with