^

Probinsiya

Grab driver dedo, angkas na babae kritikal sa trak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Grab driver dedo, angkas na babae kritikal sa trak
Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktimang si Roger Garofil, 22-anyos, Grab driver, residente ng Harison St, Libertad, Manila habang inoobserbahan sa pagamutan ang ang­kas nitong babae na si Chynna Bernal, 19 anyos, ng Calatagan Street,  Brgy. Palanan, Makati City.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Patay ang Grab rider habang nasa malubhang kalagayan ang angkas sa motorsiklo na babae makaraan silang sumalpok sa kasabayang trak habang bumabagtas sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Panapaan 1, Bacoor City.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktimang si Roger Garofil, 22-anyos, Grab driver, residente ng Harison St, Libertad, Manila habang inoobserbahan sa pagamutan ang ang­kas nitong babae na si Chynna Bernal, 19 anyos, ng Calatagan Street,  Brgy. Palanan, Makati City.

Sa imbestigasyon nina P/Master Sergeant  Roberto Lacasa at P/Sergeant Gerry Cambarihan ng Bacoor City Police, alas-11:00  ng gabi habang sakay ang mga biktima ng RUSI motorcycle na may  plate number 718-UOI at bumabagtas sa nasabing highway nang makasaba­yan nila ang isang Sino truck (NHB-8878 ) na nakarehistro sa isang Anne Pauline Dela Cruz at minamaneho ng isang alias “Fel”, 29-anyos ng Malabon City.

Patungo ng north direction ang mga sasakyan kung saan medyo nauuna ng kaunti ang nasabing trak nang sa ‘di inaasahang pangyayari ay sumalpok dito ang motorsiklo ng mga biktima.

Dahil sa tindi ng pagkakasalpok, tumilapon ang magkaangkas na biktima habang wasak na wasak ang kanilang motorsiklo.

Nagawa pang maitakbo sa St. Dominic Hospital ang mga biktima subalit hindi na naisalba pa ang buhay ng nasabing Grab driver habang inoobserbahan ang angkas na babaeng nagtamo ng matitinding pinsala sa paa at iba pang bahagi ng katawan.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with