^

Probinsiya

Heart attack, sanhi ng pagkamatay ng 2 Koreano sa Batangas resort

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Heart attack, sanhi ng pagkamatay ng 2 Koreano sa Batangas resort
Stock image of a man suffering from chest pain.
Pixabay / Tumisu

BATANGAS, Philippines — Atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang turistang Koreano sa loob ng sauna room sa isang resort sa bayan ng Mabini, dito noong Huwebes (hindi Linggo sa unang ulat).

Ayon kay Major Arwin Baby Caimbon, hepe ng Mabini Police Station, base sa death certificate ng dalawang Koreano ay “Acute Myocardial Infarction (heart attack) ­se­condary to heat stroke” ang kanilang ikinamatay.

Noong Huwebes (Disyembre 7) alas-3 ng madaling araw nang matagpuan ang mga Korean nationals na sina Sun Tae Kim, Yun Seok Seo at Hak Neung Kim na pawang nakahandusay sa sahig ng sauna ng resort.  Kagagaling lang sa outdoor adventure ang mga biktima at nang makabalik sa resort ay nagdesisyong mag-sauna pasado alas-dose ng gabi. 

Mabilis namang naisugod sa ospital ang tatlo pero idineklarang patay na sina Sun Tae Kim at Yun Seok Seo habang nagpapagaling na si Hak Neung Kim. 

“Wala naman ka­ming nakikitang foul-play sa pangyayari dahil tumutugma naman ang mga pahayag ng mga ­empleyado ng resort sa nakuha na­ming CCTV footages” ani Maj. ­Caimbon.

Gayunman, iniintay pa rin ang desisyon ng mga kamag-anak ng mga namatay kung isasailalim pa rin sa autopsy ang mga labi ng mga biktima. 

Isasailalim din sa imbestigasyon ang resort kung may kapabayaang nangyari na nagbunsod ng pagkamatay dalawang dayuhan biktima. 

Lumalabas na la­sing umano ang tatlong Korean nang pumasok sa loob ng sauna room.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with