^

Probinsiya

2 motorsiklo inararo ng van: 4 patay!

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 motorsiklo inararo ng van: 4 patay!
Wasak na wasak ang harapan ng van na umararo sa dalawang motorsiklo bunsod ng pagkasawi ng apat katao sa Kabacan, Cotabato nitong Lunes ng gabi.
John Unson

MANILA, Philippines — Apat katao ang patay nang araruhin ng isang pampasaherong van na minamaneho ng lasing na driver ang dalawang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Kabacan, lalawigan ng Cotabato.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina Mohaimen Bangkailan, 29 at Nasser Mansag Cadulong, 35, kapwa driver ng motorsiklo, gayundin ang kanilang mga backriders na sina Almina Bangkailan, 21, at Kalya Sacanda.

Nagtamo ang mga biktima ng pinsala sa ulo at katawan na kanilang ikinasawi.

Batay sa report ni PMajor Maxim Peralta, hepe ng Kabacan Municipal Police Station (MPS), naganap ang aksidente dakong alas-8:16 ng gabi sa national highway sa Brgy. Kayaga, Kabacan.

Tinatahak ng dalawang motorsiklo ang national highway habang nasa kabiling lane naman ang van. Gayunman, pagdating sa pakurbadang daan, sinalubong at sinuyod ng van ang dalawang motorsiklo.

Sa lakas ng bangga, tumilapon ang mga biktima.

Samantala, nasa kustodiya na ng Kabacan Police ang driver ng van na si Marcelino Zacharias at inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.

Agad pinasuri ng pulisya sa mga manggagamot ang driver ng van nang mahalatang lasing ito at lumabas sa medical certificate na totoong lango siya sa alak nang maganap ang aksidente.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with