^

Probinsiya

P13 milyong marijuana nasamsam, sinunog sa Sulu

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P13 milyong marijuana nasamsam, sinunog sa Sulu
Kinumpirma ni Christian Frivaldo, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM), ang pagkakasamsam sa naturang mga marijuana na nakatanim sa isang liblib na lugar sa Barangay Pitogo, Kalingalang Caluang.
AFP

COTABATO CITY, Philippines — Sinunog ng mga ­operatiba ng pamahalaan ang hindi bababa sa P13 milyon na halaga ng marijuana sa isang uprooting operation na isinagawa sa bayan ng Kalingalan Caluang sa Sulu nitong Martes.

Kinumpirma ni Christian Frivaldo, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM), ang pagkakasamsam sa naturang mga marijuana na nakatanim sa isang liblib na lugar sa Barangay Pitogo, Kalingalang Caluang.

Ayon kay Frivaldo, ang naturang operas­yon ay magkatuwang na isinagawa ng PDEA-BARMM, mga kasapi ng iba’t ibang unit ng Sulu Provincial Police Office at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Sa ulat ng Kalingalan Caluang Municipal Police, mabilis na nakatakas ang ilang armadong lalaking nagbabantay sa naturang plantasyon ng Marijuana nang mapunang may mga palapit na mga agent ng PDEA-BARMM, mga pulis at mga tropa ng 21st Infantry Battalion ng Phi­lippine Army sa kanilang kinaroroonan.

Agad namang sinunog ng mga agent ng PDEA-BARMM at mga pulis ang mga nabunot na daan-daang puno ng marijuana matapos kumuha ng ilang piraso upang magamit na ebidensya laban sa grupong nagmamay-ari ng naturang mga illegal na pananim.

Ayon kay Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng PRO-BAR, magtutulungan ang local go­vernment ng Kalingalan Caluang at ang lokal na pulisya na kilalanin ang mga may-ari ng nakum­piskang marijuana plants upang makasuhan sa korte.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with