^

Probinsiya

‘Akyat-bahay’ bulagta sa guwardya

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
�Akyat-bahay� bulagta sa guwardya
Napuruhan ng ­punglo sa katawan at agad nasawi ang suspek na kinilalang si Jerry Balbuena Erato, residente ng Zone-5 Balatas, Brgy. Anayan ng naturang ba­yan. Hindi naman nakilala ang dalawa pang suspek na mabilis nakatakas.
STAR / File

PILI, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang 18-anyos na hinihinalang kasapi ng “akyat-bahay gang” matapos barilin ng guwardya nang maaktuhang nagnanakaw kasama ang dalawa pa sa Ray Sto. Domingo Junk Shop sa Zone-5, Brgy.Tagbong, Pili, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw.

Napuruhan ng ­punglo sa katawan at agad nasawi ang suspek na kinilalang si Jerry Balbuena Erato, residente ng Zone-5 Balatas, Brgy. Anayan ng naturang ba­yan. Hindi naman nakilala ang dalawa pang suspek na mabilis nakatakas.

Sa ulat, dakong alas-3:45 ng madaling araw habang nagroronda ang security guard na si Daniel Villaluna Larcina, 29-anyos, ng Brgy. Ma­napao, Minalabac nang maaktuhang nagnanakaw ang tatlong suspek sa loob ng compound ng junk shop.

Bumunot umano ng baril si Erato at itinutok sa guwardya dahilan para paputukan ito ng dalang shotgun.

Duguang bumulagta ang suspek habang sa takot ay mabilis na kumaripas patakas ang dalawa nitong kasamahan.

Narekober ng mga rumespondeng pulis sa tabi ng napaslang na suspek ang isang improvised na kalibre 45 revolver.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with