^

Probinsiya

Consultant ng San Rafael, Bulacan utas sa ambush

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Consultant ng San Rafael, Bulacan utas sa ambush
Kinilala ang napas­lang na biktimang si John Emerson Parfan, municipal internal affairs consultant ng San Rafael at residente ng Brgy. Tambubong ng nasabing bayan.
STAR / File

SAN RAFAEL, Bulacan , Philippines — Patay ang 33-anyos na lalaking empleyado ng munisipyo sa bayang ito matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang napas­lang na biktimang si John Emerson Parfan, municipal internal affairs consultant ng San Rafael at residente ng Brgy. Tambubong ng nasabing bayan.

Sa report ng San Rafael Police, naganap ang pamamaril dakong alas-7:50 ng umaga sa Cagayan Valley Road sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan.

Ayon sa report, lulan ang biktima ng itim na Toyota Avanza papasok sa trabaho kasama ang dalawang babaeng pasahero nang tapatan ng tandem lulan ng asul na motorsiklong Mio MXi na walang plaka ang driver side ng sasakyan.

Walang kaabug-abog na pinagbabaril ng tandem suspect ang biktima hanggang sa tumakas sa direksyon ng San Ildefonso.

Agad namang isinugod ang biktima sa Ace Medical Center sa lungsod ng Baliwag para sa paunang lunas subalit binawian din ng buhay kalaunan.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with