^

Probinsiya

6-anyos patay sa sagasa ng Xpander

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
6-anyos patay sa sagasa ng Xpander
Kinilala ang nasa­wing mag-ama na sina Diamaloden Makasaehe, 28; at anak nitong si Jannaiden. Habang ang 17 nasugatan ay isinugod sa pagamutan para malapatan ng pa­ngunahing lunas.
Graphic by Philstar/John Villamayor

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 6-taong gulang na batang lalaki makaraang masagasaan ng Xpander sa loob ng Subdivision kung saan naglalakad ang biktima kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sampaloc 4 Dasmariñas Cavite.

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang batang biktima na nakilalang si Ezikiel Prencillo Sabando, residente ng Cityhomes, Dasmariñas City, Cavite.

Nahaharap naman sa patung-patong na kaso ang driver na si Joven Jersey Francisco, 37-anyos, ng Brgy. Sampalok 4, Dasmariñas City, Cavite.

Sa imbestigasyon, alas-2:30 ng hapon habang naglalakad ang biktima sa may Makati Drive City Homes, Brgy. Sampaloc 4, nang mahagip ng Mitsubishi Xpander na minamaneho ni Francisco habang palabas ng nasabing subdivision.

Napag-alaman na hindi umano napansin ng driver ang bata kung kaya tuluy-tuloy niyang nasagasaan.

Naitakbo pa ang biktima sa St. Paul Hospital subalit hindi na umabot pang buhay.

vuukle comment

ACCIDENT

CAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with